Siklista, ex-cop sa viral road rage nagharap

Humingi ng paumanhin si Wilfredo Gonzales kaugnay ng kanyang aksiyon sa pananakit at panunutok sa siklistang si Allan Bandiola sa Quezon City at iginiit na nagawa lang niya iyon bilang ‘self-defense’.

Sa kanyang pagharap ni Gonzales sa pagdinig sa Senate committee on public order and dangerous drugs, sinabi nitong inilabas niya ang kanyang baril para protektahan ang kanyang sarili mula sa pag-atake ni Bandiola.

Uminit daw ang kanyang ulo matapos suntukin ni Bandiola ang bubong ng kotse kaya nayupi ito.

“Biktima rin ako dito, nawalan ako ng trabaho, naano ako sa social media, mga anak ko pamilya ko,” ani Gonzales.

Inamin naman ni Bandiola na naging agresibo siya kay Gonzales matapos siyang batukan nito.

(Dindo Matining)

The post Siklista, ex-cop sa viral road rage nagharap first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments