Magdyowang tulak laya dahil sa pulis

Inabsuwelto ng Supreme Court (SC) ang isang mag-asawa na unang­ hinatulang ‘guilty’ ng isang Marikina court dahil sa kabiguan sa paghawak ng mga ebidensiya ng mga umarestong awtoridad.

Kasabay nito, iniutos ng SC ang pagpapalaya kina Aminodin at Bernadette Rago at ipawalang saysay ang guilty verdict ng Marikina City Regional Trial Court Branch 193 kaugnay sa kasong ilegal na droga.

Sa court record, inaresto ang mag-asawa sa buy-bust noong Hulyo 15, 2017 sa bahay ni Aminodin sa Barangay Tumana kung saan nakakuha umano ang mga awtoridad ng pitong sachet ng shabu at marked money.

Nabatid na matapos irebyu ang rekord, may mga nakitang rason ang SC upang baligtarin ang hatol ng Court of Appeals dahil sa “ilang hindi naipaliwanag na gaps sa chain of custody.”

Pinunto pa ng SC na kulang ng mga detalye ang testimonya ng umares­tong pulis sa kung paano nito inimbak ang mga nakumpiskang gamit, at walang ebidensiya na ang mga nasamsam na gamit ay maayos na nailagay sa evidence bag o container matapos ang kumpiskasyon.

“All told, the chain of custody has been broken, which the prosecution failed to adduce any justifiable reason for its non-compliance by the apprehending officers. Thus, the acquittal is in order.” (Juliet de Loza-Cudia)

The post Magdyowang tulak laya dahil sa pulis first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments