Tenggang POGO worker bumulusok sa construction site

Patay na nang matagpuan ang isang Chinese national na Philippine Offshore Gaming Operator worker matapos tumalon umano sa bintana ng tinutuluyang condominium at bumagsak sa katabing construction site nang magkaproblema sa resulta ng kanyang COVID-19 antigen test.

Natagpuang nakatihaya, duguan at wala nang buhay ang 22-anyos na biktima na nanunuluyan sa isang condo sa Ermita, Maynila.

Huling nakitang buhay ang biktima ng kanyang roommate at katrabaho, dakong alas-kuwatro kamakalawa ng madaling-araw, kung kailan ikinumpisal ng biktima ang problema sa antigen test.

Nabatid na mataas ang antibody IgM niya dahilan para hindi siya makauwi sa China at madalaw ang kanyang ina na may sakit.

Ang IgM ang karaniwang unang antibody na pinoprodyus ng immune system ng tao kapag umatake ang isang virus. Kapag nagpositibo sa IgM test, posibleng nahawa ang isang tao sa virus o kakapabakuna pa lang. (Juliet de Loza-Cudia)

The post Tenggang POGO worker bumulusok sa construction site first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments