Maja, Rambo nangangamoy ang kasal

Tuwang-tuwa si Maja Salvador na makita ang entertainment press na almost 2 years din nga naman niyang hindi nakita.

Natigil nga ang mga face to face mediacon dahil sa pandemic.

Sey nga ni Maja, na-miss niya rin ang mga ganitong showbiz events with the press kaya sobrang excited din niya aside from the fact na super-happy rin siya na Beautederm baby na siya.

“Ako po eh sobrang grateful at kahit sa panahon ng pandemic ay mayroon pong nagtiwala sa atin, at ‘yun nga ang ating Beautederm family and para i-add ko lang po, very happy ako to endorse this products kasi talagang kailangan natin ngayong pandemic.

“So, nakakatuwa na si Miss Rhea (Tan) ay talagang nag-create ng bagong product para sa ating lahat, for our protection,” Siya ay isa sa brand ambassadors ng REIKO and KENZEN Beautéderm Health Boosters .

Kasama ng aktres sa grand launch ang boyfriend niyang si Rambo Nunez na kasosyo rin niya sa talent agency nilang Crown Entertainment. Kaya naman on the spot ay naurirat si Maja kung wala pa ba silang planong magpakasal.

Birong sagot ni Maja, dapat daw ay si Rambo ang sumagot ng bagay na ito but still, sinagot din naman niya ito.

“Well, nasa same page naman po kami, so may mga napag-uusapan, pero si God pa rin ang ano diyan. Sa tamang panahon po,” sabi ni Maja.

Yorme memorable ang kumain ng tira sa basurahan

Hindi napigilang maging emosyonal na Manila Mayor and Presidential aspirant na si Isko “Yorme” Moreno na maging emosyonal nang mapanood ang kabuuan ng kanyang bio-flick na Yorme: The Isko Domagoso Story directed by Joven Tan.

Ayon kay Yorme sa mediacon kahapon, napaluha raw siya habang pinapanood ito dahil muli niyang naalala ang kanyang nakaraan gayundin ang lahat ng hirap na kanyang pinagdaanan.

Aniya, kahit siya ay hindi rin daw niya mapaniwalaan na dinaanan niya ang mga grabeng hirap na ‘yun. At isa na nga sa hindi niya talaga makalimutan ay ang pagkain niya ng tira ng ibang tao sa basurahan.

Aniya, “kaya palang kainin ng isang tao ang tira ng tao sa basurahan, mabuhay lang, mabusog lang.”

Nang pinapanood daw niya ang parteng ‘yun sa pelikula, alam niyang pati ang ibang tao ay baka rin hindi makapaniwala.

“Kayo na nandidito, marahil you also have struggles in life but come to think of it, I don’t think any of you here experience ‘yung kumain ng tira ng tao sa basurahan.

“Parang pag titingnan mo siya, ‘oo nga, no? Nagawa ko pala ‘yun. Nangyari pala ‘yun. So, para kang nananaginip pero ‘yung bangungot ng buhay ay ‘yun palang reyalidad ng nakaraan mo. So, it touches my heart,” ani Yorme.

Ipinahayag din niya ang kasiyahan sa pagbubukas ng mga sinehan at ang bio-flick nga niya ang kauna-unahang Pinoy movie na magkakaroon ng theatrical release.

Ipalalabas na ang Yorme: The Isko Domagoso Story ngayong Dec. 1. Pinagbibidahan ito nina Raikko Mateo (batang Isko), McCoy de Leon (teenager na Isko) at Xian Lim (present generation Isko).

Ang nasabing pelikula ay nagsilbi ring grand reunion ng mga miyembro dating youth oriented show ni German “Kuya Germs” Moreno na “That’s Entertainment” kung saan ay isa nga rin sa members si Isko.

May cameo role sa Yorme sina Bryle Mondejar, Jojo Abellana, Jennifer Mendoza, Jovit Moya, Manolet Rippol, Jojo Alejar, Lovely Rivero, Keempee de Leon, Ricky Rivero, Karen Timbol, Jeffrey Santos at Maricar de Mesa.

Gumanap naman bilang parents ni Isko sina Tina Paner at Monching Gutierrez samantalang si Jestoni Alarcon ay si Daddy Wowie Roxas, ang discoverer at talent manager ni Isko. Malaki rin ang role ni Janno Gibbs sa musical film dahil siya ang nagbigay buhay sa karakter ng star builder na si Kuya Germs.

The post Maja, Rambo nangangamoy ang kasal first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments