Nene hinalay, tinodas ng tropa ni erpat

Nasawi ang siyam na taong gulang na babae nitong Lunes, dalawang araw matapos siyang matagpuang sugatan sa Brgy. Taculing, Bacolod City.

Ayon sa mga pulisya, natagpuang sugatan ang biktima noong Linggo sa bakanteng lote kung saan siya umano ginahasa ni Sherwin Trava, 32, kaibigan ng tatay ng bata.

Sinabi ng awtoridad, nagtungo si Trava sa bahay ng biktima dahil kaibigan nito ang ama, pagkatapos ay niyaya niya ang bata na sumama sa kanya upang bumili ng tinapay.

Dito na niya ginawa ang panggagahasa at pagpatay sa biktima.

Depensa ni Trava, nabaling lang niya sa kawawang bata ang galit nang makitang papasok umano ang kanyang nobya sa isang lodging house.

Tatlong beses umano niyang hinampas ng bato sa ulo ang biktima bago tumakas. Itinanggi rin ni Trava na ginahasa niya ang biktima.

Ngunit lumabas sa medikal na pagsusuri na hinalay ang menor de edad.

Isinugod agad ang bata sa ospital subalit namatay din siya matapos ang dalawang araw dahil sa tinamong head injury. (Sherrylou Nemis)

The post Nene hinalay, tinodas ng tropa ni erpat first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments