Pacquiao niyabang mga kaibigang bilyonaryo

Inihayag ni Senador Manny Pacquiao na gagamitin niya ang kanyang celebrity status para makahikayat ng mga foreign investor sa Pilipinas at magbigay ng trabaho sa mga mahihirap.

Sabi ni Pacquiao, 10 bilyonaryong kaibigan niya ang nagpahayag ng interes na mamuhunan sa bansa pero sa kundisyon na kailangan muna niyang sugpuin ang korapsiyon.

Gayundin aniya, dapat tugunan ang hindi maaasahang internet sa bansa at supply ng kuryente.

“May mga kaibigan ako na mga malalaking negosyante at mga mayayaman sa ibang bansa na naka-ready na tumulong sa Pilipinas. Ayaw lang talaga nila itong napakatinding korapsiyon sa ating gobyerno,” saad ni Pacquiao. (Issa Santiago)

The post Pacquiao niyabang mga kaibigang bilyonaryo first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments