Senado naghigpit sa COVID protocol

Hihigpitan ng Senado ang health protocol sa mga resource person at guest sa kanilang pagdinig hinggil sa panukalang budget para sa 2022 matapos na magpositibo sa COVID-19 si Defense Secretary Delfin Lorenzana.

Naglabas ng abiso ang Senado kahapon kung saan oobligahin nila ang mga bibisita sa kapulungan na dapat negatibo sa RT-PCR test na valid sa loob 24 oras mula sa araw na kinuha ang specimen.

Oobligahin din ng Senado ang mga bisita na magdala ng medical certificate na valid sa loob ng 24 oras, na nagsasaad na negatibo ito sa mga sintomas ng COVID.

Sinuspinde noong Huwebes ang deliberasyon ng 2022 national budget na nakatakda sanang tapusin araw ng Biyernes matapos na magpositibong muli si Lorenzana sa COVID makaraang dumalo sa pagdinig. (Dindo Matining)

The post Senado naghigpit sa COVID protocol first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments