Pagbawal ng Lacson-Sotto face mask hindi ubra sa QC

Gustong maiwasan ng Quezon City Police District (QCPD) ang nangyaring insidente kaugnay sa pag-ban umano sa paggamit ng Lacson-Sotto face mask na kinasangkutan umano ng ilang mga pulis mula sa Ma­nila Police District (MPD).

Dahil dito, pinagsu­sumite ng QCPD ang lahat ng kanilang mga police precinct at mga commander ng kanilang ipinapatupad na estratehiya para mala­man kung tumatalima ba ito sa batas.

Matatandaan na nagreklamo si Sen. Pan­filo ‘Ping’ Lacson noong Nobyembre 12 dahil sa tina­tawag niyang ‘harassment’ ng MPD sa mga tagasuporta nila ni Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III.

Ayon kay Lacson, pinagsabihan umano ng mga pulis Maynila ang mga tricycle driver at mga residente na nagsusuot ng Lacson-Sotto face mask na alisin ito o baliktarin.

“Bakit pinapatanggal sa Manila ang face masks? The members of the MPD are harassing tricycle drivers and people wearing give­away face masks. May mali ba roon?” sambit noon ni Lacson. “I know the directive did not come from Crame. Walang directive. Bakit sa Manila lang?”

Sa inilabas na memo­randum ni P/Lt. Col. Ben­jamin Ariola, Officer in Charge ng District Com­munity Affairs and Development Division ng QCPD, sinabihan niya ang mga precinct chief na ipatalima pa rin ang mga tao sa mga COVID-19 health proto­col sa kasagsagan ng mga political gathering. (Kiko Cueto)

The post Pagbawal ng Lacson-Sotto face mask hindi ubra sa QC first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments