
Gumamit ng mga pekeng license plate ang mga suspek sa nangyaring pagdukot sa anim na magkakabarkada sa Batangas.
Sa panayam kay Laurel, Batangas Police Chief Capt. Errol Frejas, base aniya sa ginawang beripikasyon sa LTO, lumalabas na mga pekeng numero ang nakalagay sa mga sasakyang ginamit ng mga suspek.
“Na-verify nga natin kasi meron tayong nakuhang plate numbers dito sa sasakyan na ginamit ng mga alleged suspect. Kasi ‘yong isa dito, ‘yong plate number na binigay ay naka-register sa isang Nissan Navara at wala naman po tayong nakikitang Nissan Navara sa mga vehicle ng suspect. At ‘yong isa naman po ay sa Innova na naka-register sa may-ari ay nasa Talisay, Cebu.”
Biyernes ng umaga hinarang ng mga suspek na sakay ng apat na sasakyan ang Mitsubishi Xpander na sinasakyan ng mga biktima sa Tagaytay-Nasugbu road galing sa outing sa Lian, Batangas. (Ronilo Dagos)
The post Plate number ng mga dumukot sa 6 magtotropa, peke first appeared on Abante Tonite.
0 Comments