Pulis na may COVID lagpas 42K na

Pumalo na sa kabuuang 42,189 ang kaso ng COVID sa hanay ng Philippine National Police (PNP).

Ito ay batay na rin sa huling ulat ng PNP.

Base na rin sa datos ng PNP Health Service, nabatid na ang aktibong kaso ng COVID ay nasa 66 na.

Siyam naman ang sinasabing nakarekober kaya ang kabuuang bilang nito ay nasa 41,998.

Nananatili naman sa bilang na 125 ang mga nasawi.

The post Pulis na may COVID lagpas 42K na first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments