Sawa pumulupot sa makina ng kotse

Nasa siyam na talampakan ang haba ng sawa na natagpuan sa makina ng isang nakaparadang kotse sa Brgy. Teacher’s Village East, Quezon City nitong Lunes ng hapon.

Dahil sa takot ay agad na nagpasaklolo ang may-ari ng sasakyan sa mga kapitbahay sa Madasalin St., Brgy. Teacher’s Village East at tumawag sa Search & Animal Rescue Unit ng QC Disaster Risk Reduction and Management Office (QCDRRMO) sa lungsod.

Nahuli naman ang sawa at agad na nai-turnover sa tanggapan ng Department of Environment and Natural Resources.

Ayon sa QCDRRMO, posibleng nanggaling sa natutuyuan nang creek ang nasabing ahas at lumabas upang maghanap ng makakain.

Samantala, nahintakutan ang mga residente sa nasabing lugar dahil hinala nila ay may mga kasama pa ang nahuling sawa na maaaring sumalakay sa kanilang mga tahanan, lalo na sa gabi kung kailan tulog na sila. (Dolly Cabreza)

The post Sawa pumulupot sa makina ng kotse first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments