Janine, Lotlot, Monching todo bakasyon

Masayang-masaya si Janine Gutierrez dahil finally ay nakapagbakasyon din siya kasama ang buong pamilya.Kabilang din ang kanyang mga magulang na sina Monching Gutierrez at Lotlot de Leon.

Ibinahagi ni Janine ang ilang mga larawan at short videos sa bakasyon nila ng buong pamilya kamakailan isang private beach sa Bataan.

Ayon sa caption ni Janine, ito ang first time na nakapagbakasyon siya kasama ang daddy at mommy niya.

“@landrinaescape with the family!! first time to be on vacation with both my parents! swipe to see my happy video of them in the same place haha ANYWAY mama and papa I love you, thank you! 🤍 thank you also @mr._fady 🤍,” ang bungad ng caption ni Janine.

Ayon pa kay Janine, tinupad daw ng parents niya ang pangako nang maghiwalay ang mga ito na magiging pamilya pa rin sila. Nagbigay rin siya ng advice sa mga taong may kaparehong sitwasyon sa kanya, gayundin sa mga parents.

“Appreciation post/senti moment for one minute pagbigyan but when my parents separated they said we would still be a family and they really lived up to their promise.

“And if anyone is going through something like that right now, I know it’s different for everyone but I hope you know it’s not gonna be bad forever. it’ll take a while but it gets better 🤍 and if you’re the parents and you’re worried about your kids, they’ll understand one day. and they only want you to be happy. also, di ko na alam trip nila sa last video. love you fam!” saad pa ni Janine.

The post Janine, Lotlot, Monching todo bakasyon first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments