Sinkhole bumulaga sa Mandaluyong

Nangamba ang mga residente nang madiskubre ang isang sinkhole o malaking butas sa isang bahagi ng kinukumpuning kalsada sa Barangay Hulo, Mandaluyong City nitong Biyernes.

Batay sa ulat, alas-12:00 kahapon ng tanghali, nasa kasagsagan ng pagkakabit ng bakal ang mga tauhan ng Manila Water nang lumubog ang bahagi ng kalsada na sinlaki ng kalahati ng basketball court dahil umano sa malambot na lupa sa kalye ng Coronado.

Dahil dito, natakot at ikinabahala ng ilang residente na malapit sa lugar na baka madamay at mapinsala ang kanilang mga bahay.

May nakita na anilang maliliit na bitak sa kanal sa gilid ng ilang bahay sa lugar, pero sa kabila nito ay patuloy naman ang aktibidad ng Manila Water sa lugar.

Paliwanag naman ng contractor, nagkaroon ng pagtagos ng tubig mula sa Pasig River na naging dahilan ng paglambot ng lupa. Nangako silang aayusin ang problema sa loob ng tatlong araw.

Pansamantalang isinara sa mga motorista ang bahagi ng Coronado St., Barangay Hulo sa lungsod dahil sa nangyaring pagguho ng lupa. (Dolly Cabreza)

The post Sinkhole bumulaga sa Mandaluyong first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments