Tonino, Bolts aararo sa ‘Lakas ng Tatlo’

Pagkatapos ng isang araw na pahinga, sisindihan agad ng Meralco ang kampanya sa third leg ng 1st Philippine Basketball Association 2021 3×3 Lakas ng Tatlo sa Ynares Sports Arena sa Pasig ngayong araw.

Nasilat sa TNT sa finale ng maiden leg noong Linggo, dinomina ng Bolts ang Platinum Karaoke 21-16 para ibulsa ang titulo ng second leg at P100K cash prize nitong Huwebes.

Balik sina Tonino Gonzaga, Dexter Maiquez, Joseph Sedurifa at Alfred Batino sa court para habulin ang back-to-back title.

Nasa Pool A ang Meralco na puntirya rin ang pangalawang titulo kasama ang Terrafirma, Pioneer Pro Tibay, Zamboanga Valientes at NorthPort.

Kabilang sa Pool B ang Platinum, Sista Super Sealers, San Miguel Beer at Barangay Ginebra San Miguel, bumubuo sa Pool C ang leg one champion TNT, Limitless Appmasters, Purefoods TJ Titans at Cavitex Braves.

Opening match ang Bolts-Dyip sa alas-2:00 nang hapon ng 16-game Day 1, sunod ang bakbakang Batang Pier-Pioneer at Platinum-Gin Kings.

Mabibiyaan ang pangalawang puwesto ng P50K at tersero’y magagantimpalaan ng P30K sa dalawang araw lang na men’s hoopfest.

Palaban pa rin sina Jeremiah Gray, Samboy De Leon, Almond Vosotros at Lervin Flores para sa Tropang Giga upang makaresbak. (Vladi Eduarte)

The post Tonino, Bolts aararo sa ‘Lakas ng Tatlo’ first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments