10 drug trafficker bagsak, P2M shabu nasabat

Nalambat ng pinagsanib na puwersa ng Philippine National Police (PNP) ang 10 kinikilalang drug traffickers at makuhanan ng aabot sa P2M halaga ng shabu sa buy-bust operation sa bayan ng Cainta, Rizal, Sabado ng umaga.

Arestado ang mga umano’y drug pusher na sina Marco Angelo Zarate, Twixx Leyson, Angelito “Junjun” Reyes, Dennis Reyes, Christian “Sam” Evangelista, Victor Dax Jose, Roderick “Dosong” Rendal, Janeth Salasibar, Marry Lou Cruz at Allan Garol, pawang nasa hustong gulang.

Ikinasa ng mga tauhan ng Special Operations Unit-4A, PNP Drug Enforcement Group kasama ang Regional Drug Enforcement Unit- National Capital Region Police Office, Cainta City Police Station, at Taytay City Police Station ang buy bust Sabado ng madaling araw sa Cainta at Taytay, Rizal.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang aabot sa 300 gramo ng shabu na nagkakahalagang P2.4M.

Nakakulong ngayon ang mga suspek at sinampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act. (Vick Aquino)

The post 10 drug trafficker bagsak, P2M shabu nasabat first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments