DOJ abangers sa autopsy kay Nuezca

Isinailalim na sa autopsy ng National Bureau of Investigation (NBI) ang mga labi ng tinaguriang killer cop na si Jonel Nuezca subalit wala pang inilalabas na ulat kung ano talaga ang sanhi ng pagkamatay nito.

“The NBI has conducted the autopsy but has not submitted an official report,” pahayag ni Department of Justice (DOJ) Secretary Menardo Guevarra kahapon.

Maaari aniyang tumagal pa ng ilang araw bago isapubliko ang resulta ng autopsy sa mga labi ni Nuezca.

Una nang iniulat ng Bureau of Corrections (BuCor) na posibleng atake sa puso ang sanhi ng pagkamatay ni Nuezca sa loob ng New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City.

Nahaharap si Nuezca sa dalawang kaso ng pagpatay matapos na barilin ang mag-inang Sonia Gregorio, 53, at Frank Anthony, 25, sa kanilang lugar sa Paniqui, Tarlac noong Disyembre 21, 2020.

Nakuhanan ang video ng karumal-dumal na pamamaslang sa mag-ina at nag-viral ito sa social media.

Naaresto naman si Nuezca matapos ang pamamaslang at binubuo na sana ang hatol sa kanya na pagkabilanggo sa NBP subalit biglaang masawi.

The post DOJ abangers sa autopsy kay Nuezca first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments