Tulak laglag sa P1.6M shabu

ARESTADO ang isang lalaki sa isinagawang buy-bust operation sa Lower Bicutan sa Taguig City, kung saan tinatayang P1.6 na milyong halaga ng hinihinalang shabu ang nasabat.

Sa report, nagkasa ang Taguig City Police Station Drug Enforcement Unit ng buy-bust operation Biyernes ng gabi.

Nakumpiska mula sa suspek ang umaabot sa 245.3 gramo ng shabu na nasa P1,668,040.00 ang halaga, isang sling bag, P1,000.00 buy-bust money; at anim na piraso ng P1,000.00 boodle money.

Kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act ang kakaharapin ng suspek. (Kiko Cueto/Vick Aquino)

The post Tulak laglag sa P1.6M shabu first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments