Kinumpiska ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang dalawang fishing boat at inaresto ang 18 mangingisda dahil sa ilegal umanong pangingisda sa karagatang sakop ng Maritime Security Patrol, Huwebes sa bahagi ng Naic, Cavite.
Ayon sa PCG, nakita nila ang fishing boat na FBCA Allan 1 at dito nadiskubre na umano’y gumagamit ng air compressor ang mga mangingisda sa nasabing bisinidad.
Bukod sa 11 mangingisda, may pito pa ang naaresto na pawang taga-Brgy. Wawa 3, Rosario, Cavite makaraang maispatan sa bisinidad ang FBCA Askie Dale na nagsasagawa rin umano ng illegal fishing dahilan para lumabag sa Municipal Ordinance no. 12.
Saad ng PCG, walo sa mga ito ang inimbitahan sa kanilang tanggapan na pawang residente ng Brgy. Amaya 5, Tanza, Cavite. (Juliet de Loza-Cudia)
The post 18 mangingisda binitbit ng PCG first appeared on Abante Tonite.
0 Comments