2022 budget hihimayin sa bicam

Isasalang na sa bicameral conference committee ng Kongreso ang panukalang 2022 national budget na nagkakahalaga ng mahigit P5 trilyon.

Ito’y matapos na aprubahan na rin ng Senado ang panukalang budget na una nang ipinasa ng Kamara noong Setyembre.

Ipinaabot ni House committee on appropriations chairman Eric Yap ang pasasalamat ng Kamara sa mga senador dahil sa ginawang pag-apruba sa takdang oras ng panukala sa kabila ng kanilang masikip na iskedyul.

Paliwanag ng kongresista, kahit pa may magkakasalungat na probisyon ang Kamara at Senado kaugnay sa panukala, ang mahalaga aniya iisa ang kanilang layhunin na magkaroon ng 2022 national budget na aalalay sa patuloy na paglaban ng bansa sa pandemya at pagbangon mula sa epekto nito.

Isa aniya sa inaasahang mainit na pag-uusapan sa bicam ay ang pondo para sa mga bakuna kontra COVID-19 at booster shot, benepisyo at allowance ng mga health care worker at ang pondo ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict o NTF-ELCAC. (Eralyn Prado)

The post 2022 budget hihimayin sa bicam first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments