Gasolina, diesel may higit P1 tapyas-presyo

Nakatakdang magbaba ng presyo sa kada litro ng mga produktong petrolyo ang mga kompanya ng langis ngayong Martes.

Ayon sa abiso ng Pilipinas Shell Petroleum Corporation, magbababa sila ng P2.40 sa kada litro ng gasolina, P2.65 sa diesel at P2.70 sa kerosene.

Magbababa rin ng presyo ang Cleanfuel, sa parehong halaga na itatapyas ng Shell.

Samantala, wala pang anunsyo ang iba pang kompanya ng langis subalit posibleng magkaroon din ng kaparehong tapyas-presyo sa petrolyo.

Ito na ang ikalimang sunod na linggo ng pagtapyas sa presyo ng produktong petrolyo. (Mark Joven Delantar)

The post Gasolina, diesel may higit P1 tapyas-presyo first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments