Nakatakdang gumawa ng mga alituntunin ang Philippine National Police (PNP) para sa ‘no jab, no duty policy’ sa kanilang hanay ngayong kasagsagan ng COVID-19 pandemic.
Sa isinagawang press briefing kahapon sa Camp Crame, sinabi ni PNP chief General Dionardo Carlos na gagawa ng memorandum circular para sa bagong polisiya.
“As public servants and officers of the law, it is our responsibility to uphold public welfare at all times and lead by example in fulfilling the citizen’s duty to promote public health and safety.”
Pero nilinaw ni Carlos na ililipat lang umano nila sa mga COVID-19 low-risk area ang mga nasabing pulis, at igagalang aniya nila ang karapatan ng mga pulis na ayaw magpaturok ng coronavirus vaccine at hindi naman umano nila pipilitin.
Bibigyan din sila ng administrative work at on-duty status pa rin aniya ang mga pulis na hindi bakunado pero hindi na tatao sa mga local police station. (Edwin Balasa)
The post Hindi bakunadong pulis, bawal pumasok first appeared on Abante Tonite.
0 Comments