Ipinagmalaki ni Pangulong Rodrigo Duterte na halos natupad lahat ang ipinangako niya sa sambayanan maliban sa peace and order, partikular sa kampanya laban sa ilegal na droga.
Sa kanyang talumpati sa pagbisita sa Zamboanga City kahapon, sinabi ng Pangulo na ginawa niya ang lahat ng kanyang magagawa at nakumpleto naman aniya ang mga ito lalo na sa mga imprastruktura.
“My term is nearing its end. I can say with a little bit of pride na halos lahat ng ipinangako ko natupad ko. Dito lang sa peace and order. I tried my best, and hindi ko naman sabihin na ano pero mukhang nakumpleto ko halos lahat ng ipinangako ko sa taongbayan,” sabi ng Pangulo.
Pero hangga’t mayroon aniyang mga tao sa daigdig, asahan na palaging mayroong maling gawain o kalokohan na ginagawa ng mga tao.
“When I was running during the campaign I only promised five. I said I will try to eliminate or finish all shabu industry. Paningin ko hindi ko talaga natapos because every minute there is a stupid guy around to do again,” wika ng Pangulo.
Kung kaya’t marami pa aniyang kinakailangang gawin para mailagay sa ayos ang katahimikan at kaayusan sa bansa. (Aileen Taliping/Prince Golez)
The post Halos lahat ng pinangako ko natupad – Digong first appeared on Abante Tonite.
0 Comments