Kasambahay na Pinay dedo sa Las Vegas hotel

Isang Pinay housekeeper ang natagpuang duguang nakabulagta sa loob ng isang kuwarto ng Bally’s Las Vegas Hotel and Casino sa Estados Unidos.

Agad namang isinugod ang 61-anyos na Pinay na kinilalang si Basilisa Tagget-Smith sa kalapit na ospital subalit idineklarang dead on arrival.

Sa paunang imbestigasyon ng pulisya, naghinala silang pinatay ang biktima at kinabukasan ay naglabas pa sila ng video ng person of interest sa kaso.

Subalit makalipas ang ilang araw ay lumantad ang anak ng biktima na si Lemuel Tagget at sinabi na kinausap na niya ang mga awtoridad upang linawin na namatay ang kanyang ina sa `natural causes’.

“Hindi siya pinatay ng ibang kriminal. Na-stroke lang s’ya sa pinagtatrabahuan niya. Natumba, nabagok ang ulo n’ya. Nagkabukol. May dugo doon sa pader na natumbahan n’ya,” paliwanag ni Lemuel.

Nabatid na si Tagget-Smith ay nanirahan sa Bohol sa Pilipinas at nagtungo sa Amerika noong 1987 at nagtrabaho sa Bally’s sa loob ng tatlong dekada. (Dolly B. Cabreza)

The post Kasambahay na Pinay dedo sa Las Vegas hotel first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments