NBI tengga sa Jonson case

Tinigil muna ng National Bureau of Investigation (NBI) ang pagsisiyasat nito kaugnay sa pagkamatay ng artist na si Bree Jonson.

Ayon kay Department of Justice (DOJ) Secretary Menardo Guevarra, nakabinbin pa sa korte ang aplikasyon ng NBI para sa search warrant upang makakuha ng forensic evidence.

Hinihintay pa rin aniya ng NBI ang tugon ng Philippine National Police (PNP) sa kahilingan na magkaroon ng klaripikasyon sa DNA report sa kaso ni Jonson.

Natagpuang patay si Jonson sa loob ng banyo ng inokupahan nilang kuwarto ng nobyong si Julian Ongpin sa isang resort sa La Union noong Setyembre 18, 2021.

Inimbestigahan si Ongpin sa pagkamatay ni Jonson dahil sila ang magkasama nang matagpuan itong patay na.

Sinampahan rin si Ongpin ng kasong may kinalaman sa iligal na droga dahil sa nakuhang 12.6 gramo ng cocaine sa kanilabg kuwarto ni Jonson subalit ibinasura ito ng korte dahil sa kabiguan umano ng mga pulis na sundin ang chain of custody requirements sa ilalim ng Section 21 ng Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2022.

Naghain naman ng motion for reconsideration sa korte ang prosecution. (Juliet de Loza-Cudia)

The post NBI tengga sa Jonson case first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments