Pagpatak ng Enero 1, 2022, lahat ng mga residente sa Cebu City na hindi pa fully-vaccinated laban sa COVID-19 ay hindi na papapasukin sa mga establisimyento.
Ayon kay Cebu City Mayor Michael Rama, ito ay upang mahimok ang mga residente nila na magpabakuna sa pagtatapos ng taon.
“All establishments, institutions, and entities whether private or public are enjoined to disseminate information that they will only cater, allow entry, and access to fully vaccinated clients and individuals starting January 1, 2022 regardless whether the venue is indoor or outdoor,” saad sa direktiba.
Kasalukuyang nasa alert level 2 ang Cebu City, kung saan mahigit 400,000 pa lamang ang fully vaccinated individual, malayo pa sa target nitong 700,000 bakunado upang matamo ang herd immunity.
Samantala, ang mga hindi pa nabakunahang edad 11 pababa o hindi pa kuwalipikadong bakunahan ay papapasukin sa mga establisimyento basta may kasamang fully vaccinated adult. (Issa Santiago)
The post Mga Cebu gusali pwede lang sa fully vaccinated first appeared on Abante Tonite.
0 Comments