Mga taga-Baguio nanginig sa lamig

Ramdam na ang malamig na simoy ng hangin sa Baguio dahil sa pagbaba ng temperatura sa papalapit na kapaskuhan.

Batay sa ulat ng Philippine Athmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), naitala ang pinakamababang temperatura para sa buwan ng Disyembre sa 11.8 degree celsius nitong Sabado ng umaga.

Pinaalalahanan naman ang mga residente at nais bumisita na magsuot ng makakapal na tela ng damit upang maiwasang magkasakit.

Idiniin din ng lokal na pamahalaan ng lugar na sundin ang health protocol kagaya ng physical distancing at pagsuot ng facemask para makaiwas sa COVID-19.

The post Mga taga-Baguio nanginig sa lamig first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments