Sinisilip ng Department of Transportation (DOTr) ang posibilidad na gamitin ang mga transport terminal bilang vaccination site sa publiko.
Sinabi ni DOTr Undersecretary Artemio Tuazon na pinag-uusapan na nila ito ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at ng pamunuan ng Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX).
“We’re mostly looking at the integrated terminals for road transport and we’re also looking at the other stations for rail transport…They will be able to secure the vaccines as well as the people who need to be vaccinated,” sabi ni Tuazon.
Sinabi pa ni Tuazon na tinitingnan din ng DOTr ang ibang vaccination drive para sa mga tsuper at operator ng mga pampasaherong sasakyan.
Nagbigay aniya ng kautusan si DOTr Secretary Arthur Tugade sa Toll Regulatory Board (TRB) na pagaralan ang posibilidad ng bakunahan sa mga highway.(Kiko Cueto)
The post DOTr kinakasa bakunahan sa terminal, highway first appeared on Abante Tonite.
0 Comments