GF ni Romnick hindi scammer: Di kami magpapakasira sa kwarenta mil

NI: MILDRED BACUD

Ipinagtanggol ni Romnick Sarmenta ang dyowang si Barbie Ruaro.Tinanggi niya na isa itong scammer. Negosyo nito ang pagbebenta ng mga luxury bags pero lately ay may mga nagsasabing peke umano ang iba.

May mga order din umano na hindi pa natatanggap kaya naman gustong magpa-refund. Sa vlog ni Ogie Diaz ipinaliwanag ni Romnick through text na walang kasalanan ang asawa nito. Si Barbie pa nga raw ang naha-harass dahil may mga nagsasabing peke daw ang mga binebenta nito which is hindi naman totoo.

Sabi naman ni Ogie, ” Bigyan naman natin ng pagkakataon si Romnick at nu’ng kanyang asawa para mabayaran ‘yung pagkakautang sa mga kumuha ng bags. Baka may punto rin si Romnick na sinasabing fake pero may authentication.Hindi rin para husgahan natin ‘yung nagrereklamo at the same time ‘yung inirereklamo. Pero kung maaayos ito sana maayos. ”

Diniin din ni Romnick na hindi nila sisirain ang kanilang pangalan sa halagang kwarenta mil.

The post GF ni Romnick hindi scammer: Di kami magpapakasira sa kwarenta mil first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments