KathNiel ligwak na kay Dominic

Sa kanyang Instagram account, nagbahagi si Dominic Roque ng throwback ng group photo nila kasama ang mga miyembro sa Nguya Squad na sina Khalil Ramos, Gabbi Garcia, Marco Gumabao at Pat Sugui.

May caption itong; “RanDOM shots…👌�� #TBphotos.”

Nag-react naman ang mga close friends niya sa grupo sa naturang throwback photo:

Sey ni Gabbi Garcia : “Papa domskiiiii ano na”

Komento ni Ria Atayde: “Miss youuuuu.”

Hirit ni Pat Sugui: “Kakamiss samgyup after gym!”

Reaksyon naman ni Marco Gumabao: “@dominicroque ikaw lang papa doms.”

Pansin naman ng mga netizen na wala sa throwback pic ang KathNiel .Mega-react din ang mga ito.

Ito ang ilan sa kanilang mga reaksyon.

Imcindyyybb: “sana soon mgkasama na ulet kayo nila dj at kath 🙏❤

daemiggz12: “ok lng nman kung di nya sali kathniel. Dami dn nman friend si dj. Kung ayaw wag. Bka mamaya pumayag pa😂

itsmeudee18: “Sayang❤

bhelat12: “Nakakalungkot na walang pic ang kathniel☹

aizacatipay: “Wala na talaga si @bernardokath at @supremo_dp sa random pic ni dom😢

venus_venz: “Bakit wala ang kathniel?”

rglavs: “Papa Dom iboboto Kita Mr Congeniality sa showbiz millennial.edition.Saka ko ma ipaliwanag bakit. Naniniwala ako na close friend pa rin Ang turingan nyo ni Kath Bernardo at ksyi naman talaga Ang close since Ang TV days pa. Si DJ ayaw Kong mag nega pero ramdam kita Dom.Out of respect at pinagdamahan hindi ka magsasalita. Maybe in time pag mature na si DJ at may magandang guidance kahit civil ok na ok. Sana Ang fans maintindihan ka dahil Hindi man pwede ipilit bang sarili sa may ayaw.”

Matatandaang naging isyu noon ang umanoý pag-unfollow umano ni Daniel Padilla kay Dominic Roque.

Bagamat wala namang tinutumbok kung anong dahilan, nagkaroon ng konklusyon ang mga ‘marites’na may kinalaman ito sa kaugnayan ni Dominic kay Bea Alonzo. May lumutang din tsismis na na-link umano si Dom sa utol ni DJ.

Incidentally ay in-unfollow din ni Karla Estrada na close sa mag-inang Julia at Marjorie Barretto.

The post KathNiel ligwak na kay Dominic first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments