Lacson-Sotto: Sablay mga diskarte sa pandemya

Kinastigo ni Partido Reporma presidential candidate at Senador Panfilo `Ping’ Lacson ang gobyerno dahil sa “reactive and late” na diskarte sa pandemya kasunod ng ginawang paglilinaw ng Department of Labor and Employment (DOLE) hinggil sa exemption sa no bakuna, no ride policy.

“Why clarify only now? Why wait for hundreds of commuters to suffer first? Since the start of the pandemic in our country in early 2020, the national government’s action has always been reactive and late,” sabi ni Lacson.

Ginawa ng senador ang pahayag matapos sabihin ni DOLE Secretary Silvestre Bello III na maaaring sumakay sa pampublikong transportasyon ang mga manggagawa kahit na hindi pa sila nabakunahan laban sa COVID.

Ito’y matapos ipatupad ang no bakuna, no ride policy noon pang Lunes, Enero 17, sa Metro Manila na inulin ng batikos mula sa publiko at mga mambabatas.

Maging ang pagkuha aniya sa tulong ng business sector at mga local government unit para sa vaccination driver ay huli na. Kahit boluntaryo na aniyang nag-aalok ng kanilang tulong ang mga negosyante at mga lokal na pamahalaan para mapalakas ang vaccination rollout ay tila pinahihirapan sila ng gobyerno dahil sa sobrang regulasyon.

“Ano ba meron?” tanong ni Lacson.

Samantala, sinabi naman ng running mate ni Lacson na si Senate President Vicente `Tito’ Sotto III, na lumalabas na hindi masyadong pinag-aralan ang naturang polisya bago sinimulang ipatupad.

“Obviously, the idea did not go through contemplation. Swashbuckling at the very least!” sabi ni Sotto. (Dindo Matining)

The post Lacson-Sotto: Sablay mga diskarte sa pandemya first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments