Francine naloka na mukhang monay:Feeling ko ang taba niya na malaki

NI: ARCHIE LIAO

Sa isang YouTube channel, ibinahagi ni Francine Diaz ang kanyang frustration tungkol sa kanyang baby fats.

Aniya, sa halip daw na mapunta ang kanyang taba sa kanyang tiyan ay sa kanyang cheeks daw ito naging prominente.

Hirit pa niya, nagiging uncomfortable at conscious daw siya sa kanyang looks dahil nagmumukha siyang ngarag.

“Naiilang ako and nako-conscious ako sa face ko pag naka-tight shot kami,”ani Francine.

Feeling daw niya ay lagi siyang stressed Drilon kapag humaharap na sa kamera lalo pa’t long hours ang iginugugol nila sa tapings at shoots.

“Feeling ko ang taba niya na malaki, tapos pag napapagod na medyo nagsa-sag,”hirit niya.

Dagdag pa niya, ang pagiging mukhang chubby o ‘monay’ daw ang isang source ng kanyang insecurity.

“Ito po eh, ito po talaga ang tumataba doktora. Hindi po siya madalas napupunta sa tiyan, dito siya pumupunta. Ito po yung number one na pinaka-insecure ako sa sarili ko,” ani Francine sa video habang sumasailim sa treatment sa klinika ni Dra. Vicki Belo.

Sa huling bahagi naman ng video, sinabi niya na na-refresh siya after her beauty treatment kaya ready na naman siyang sumabak sa lock-in tapings.

The post Francine naloka na mukhang monay:Feeling ko ang taba niya na malaki first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments