Bakuna card scam talamak sa Facebook – DILG

Nagbabala sa publiko ang Department of the Interior and Local Government (DILG) na peke ang mga naglalabasang “COVID-19 vaccination exemption card” sa social media at hindi ito kinikilala ng gobyerno.

Sinabi ito ni DILG spokesperson at Undersecretary Jonathan Malaya matapos na makatanggap ng ulat na mayroon umanong mga COVID-19 vaccination exemption na naglalabasan ngayon.

“The public is warned that there is no such thing as a ‘vaccination exemption card’. This is not authorized, issued, nor recognized by the government. In other words, these are fake,” ayon kay Malaya sa isang panayam.

Nabatid na ang mga pekeng bakuna card ay nagmula umano sa mga Facebook group chat sa Davao at Soccsksargen.

Sinasabi umano na maaari itong iparehistro sa mga local government unit (LGU) at kinikilala bilang kapalit ng COVID-19 vaccination card.

“The so-called exemption cards look similar to the green COVID-19 Vaccination Cards being issued by several LGUs,” babala ni Malaya.

“Sa biglang tingin aakalain itong tunay dahil pareho ng kulay, format at hitsura,” aniya pa. (Dolly Cabreza)

The post Bakuna card scam talamak sa Facebook – DILG first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments