Nagluto sa kahoy, bahay nilamon ng apoy

Tinatayang limang pamilya ang nawalan ng kanilang tinitirhan nang lamunin ng apoy ang kanilang bahay dahil sa napabayaan na pagluluto gamit ang kahoy sa Dasmariñas City, Cavite, Sabado ng umaga.

Sa ulat ni P/MSgt. Elmo Caboboy ng Dasmariñas City Police Station, alas-9:30 ng umaga, kamakalawa, nang magsimula ang sunog sa tahanan ng isang Joan Centino sa Terter St., Phase 4 sa Brgy. Paliparan 3, Dasmariñas City.

Ayon kay FO2 Ryan Biago, Fire Investigator, may nagluluto umano gamit ang kahoy sa bahay ni Centino nang makaligtaan ito dahilan upang tuluyang lamunin ng apoy ang nasabing bahay at mga katabing barung-barong na puro gawa sa light materials.

Dakong alas-10:35 ng umaga na nang ideklarang under control ang apoy.

Sa kabutihang-palad ay wala namang naiulat na nasugatan o nasawi sa insidente. (Gene Adsuara)

The post Nagluto sa kahoy, bahay nilamon ng apoy first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments