Cayetano patok sa Davao City

Nanguna si dating Speaker Alan Peter Ca­yetano sa senatorial survey na isinagawa sa social media ng isang survey firm na nakabase sa Davao City.

Ang survey ay isinagawa ng University of Mindanao-Institute of Popular Opinion (UM-IPO) mula Disyembre 21 hanggang Disyembre 28, 2021. Ito ay tinawag na “The Filipino social media users from different regions of the Philippines.”

Ayon sa UM-IPO, ang survey ay ipinatupad online dahil bawal pa ang physical contact bunsod ng pagsipa ng COVID-19 cases. Tinarget ng survey ang mga social media user na pinili sa pamamagitan ng sponsored ads sa Facebook at Instagram.

Nakakuha si Cayetano ng 35% sa naturang survey na sinundan nina Sorsogon Governor Francis ‘Chiz’ Escudero 34.4%, dating DPWH Sec. Mark Villar 33.4%, House Deputy Speaker Loren Legarda 32.6%, TV host Raffy Tulfo 26.9%, re-electionist Senators ‘Migz’ Zubiri 26.6%, Joel Villanueva 26.4%, Sherwin Gatchalian 25%, da­ting VP Jejomar Binay 24.1%, Robin Padilla 24.5%, Jinggoy Estrada 19.7%, JV Ejercito 19.2%, at Risa Hontiveros 19.1%.

Ito na ang pangalawang senatorial survey na Top 1 si Cayetano. Una rito ay ang 2021 last quarter survey ng Pulse Asia Ulat sa Bayan na ipinalabas noong nakaraang Disyembre.

The post Cayetano patok sa Davao City first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments