E-sabong ‘di gawa ng demonyo

Taliwas sa sinasabi ng iba, iginiit ng isang solon na hindi masama ang e-sabong na nakapagbibigay ng trabaho sa maraming indibidwal at nakatutulong sa pagbuhay ng mga kakabit nitong industriya.

Ayon kay Ako Bisaya Rep. Sonny Lagon, pinalalabas lamang umano na masama ang e-sabong pero ang totoo ay nakatutulong ito.

Inihalimbawa ni Lagon ang pagtulong umano ng Pitmasters Foundation na nasa ilalim ng United Association of Cockpit Owners and Operators of the Philippines sa mga naapektuhan ng pandemya at bagyong ‘Odette’. (Billy Begas)

The post E-sabong ‘di gawa ng demonyo first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments