Ilang taga-Las Piñas gigil sa ‘lumobong’ water bill

Nagulat ang ilang mga customer ng Maynilad Water Services Inc. ng mga Consunji at ni Manny V. Pangilinan sa Las Piñas dahil lumaki anila ang bayarin kahit pa wala na nga silang nakukuhang tubig.

“Good morning, everyone,” bungad ni Ghail Embate Llorando sa Facebook. “Dumating na po ‘yung bill ko from Maynilad but sad to say na sobrang laki. January 17 lang po nagkatubig dito sa bahay since nasa 3rd floor kami. Umabot po ng P455 yung 1 month po namin. Kaya pacheck na rin po ng mga bills ninyo kung nasa tama po. Thank you and God bless everyone.”

“Kami P1,300 every month. Pre- at post-problem ng Maynilad ‘yan. Dati, 24 hours supply ng tubig ‘yan na bill namin. Ngayon, 5 oras lang may tubig at sa madaling-araw pa ‘yan na tulog kami, ganun pa rin ang bill namin: P300 pa rin,” kuwento naman ni Alvin Canceran.

Gigil naman si netizen Roxanne Claire nang sabihin ng Maynilad na kailangang bayaran ang nasa bill kahit hindi tuloy-tuloy ang suplay ng tubig.

Pinagpapaliwanag na ng MWSS Regulatory Office ang Maynilad tungkol sa problema ng tubig sa Las Piñas, Muntinlupa, Parañaque at ilang lugar sa Cavite. (Eileen Mencias)

The post Ilang taga-Las Piñas gigil sa ‘lumobong’ water bill first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments