Popondohan ng pamahalaang lokal ng Navotas para mabigyan ang may 1,881 pamilya na kulang ang nakuhang ayuda sa second tranche ng Bayanihan 1 Social Amelioration Program (SAP) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Ito ang tiniyak ni Mayor Toby Tiangco, kung saan nakarating sa kanyang kaalaman na P5,000 lang ang nakuha ng mga benepisyaryo ng SAP sa halip na P8,000 nitong nakalipas na Disyembre 2021.
Sasagutin ng Navotas local government unit ang kakulangang P3,000 para maibigay ito sa 1,881 sa lalong madaling panahon.
Sa nakalipas na online meeting, tinalakay nina Tiangco at mga opisyal ng DSWD kung paano maibibigay sa mga benepisyaryo ang nasabing halaga at dito nagdesisyon ang alkalde na pondohan ito ng LGU.
Paliwanag naman ng DSWD, ang mga qualified beneficiary ng SAP sa 2nd tranche na nakakuha ng payout noong Oktubre 2021 ang maaaring makatanggap muli ng P3,000 sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation program. (Orly Barcala)
The post Kulang na SAP sa Navotas aabonohan first appeared on Abante Tonite.
0 Comments