Sa gitna ng tuloy-tuloy na pagtaas ng presyo ng gasolina at produktong petrolyo, nanawagan si dating Senador Jinggoy Estrada na bantayan at ipasara ang mga gasolinahang nandadaya.
Ayon kay Estrada, maraming reklamo na siyang naririnig ukol sa umano’y kulang na sukat ng gasolina dahil sa madayang gas pumps.
“Kuba na nga ang mga mamamayan dahil sa linggo-linggong pagtaas ng presyo ng langis, gusto pa ng mga mandarambong na lumpuhin ang mga Pinoy,” ani Estrada.
Hinimok ng beteranong senador at senatorial candidate ng UniTeam ang mga lokal na pamahalaan na regular na magsagawa ng inspeksiyon sa mga gasolinahan at i-calibrate ang mga gas pumps para sa proteksiyon ng mga motorista lalo na ng mga tsuper.
Ayon kay Jinggoy, may kapangyarihan ang lokal na pamahalaan na inspeksiyonin ang mga gasolinahan upang matiyak na walang nangyayaring dayaan sa mga gas pumps. Ginawa ni Estrada ang panawagan dahil na rin sa patuloy na pagtaas ng presyo ng gasolina, krudo at LPG na pangunahing apektado ay ang mahihirap.
The post Mandarayang gasolinahan ipasara – Jinggoy first appeared on Abante Tonite.
0 Comments