Molnupiravir susubukan kontra coronavirus

Pinag-aaralan ngayon ang posibleng paggamit ng oral pill na molnupiravir laban sa COVID-19.

Ayon kay Dr. Benjamin Co, clinical investigator ng MOVe-Ahead clinical trial sa Asian Hospital and Medical Center (AHMC), nagsasagawa na ng pag-aaral ang AHMC sa Alabang, Muntinlupa at Quirino Memorial Medical Center sa Quezon City noon pang November 2021.

“Ang clinical trial na ginagawa natin ngayon ay sa bagong indikasyon. It has not been proven na puwede natin gamitin ito for post-exposure prophylaxis at ito po ang tinitingnan natin ngayon puwede bang magamit,” ayon kay Co.

“Ang ibig sabihin po ng post-exposure prophylaxis ay kung kunwari ako, mayroon akong Covid at na-expose po kayo sa akin, ay maaari na ba kayong uminom ng molnupiravir para hindi kayo magkaroon ng infection,” paliwanag nito.

Sinisiguro ni Co na lahat ng kalahok sa clinical trial ay maayos at ligtas dahil patuloy nilang minomonitor ang mga ito. (Vick Aquino)

The post Molnupiravir susubukan kontra coronavirus first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments