MWSS sinilip planta ng Maynilad

Kasunod ng nararanasang water interruptions sa Muntinlupa, ininspeksiyon ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) ang water treatment plant ng Maynilad sa nasabing lugar.

Sinabi ni Engr. Patrick Dizon, MWSS Regulatory Office Manager for Site Operations, na kung hindi maibabalik ng Maynilad ang 24 hours/7 psi pressure sa loob ng susunod na 15 araw ay papatawan ito ng multa.

Matatandaan na una nang inatasan ng MWSS ang Maynilad na ipaliwanag ang aberya sa suplay ng tubig sa Muntdinlupa.

Ang nararanasang water interruptions ay sanhi anila ng problema sa treatment plant ng Maynila na nasa Putatan, Muntinlupa City. Ipinaliwanag ng Maynilad na nagkakaroon ng mataas na antas ng lumot sa planta dala ng kawalan ng ulan sa Laguna de Bay at mataas na turbidity dulot naman ng northeast monsoon.

Bunsod ng dalawang problema na ito ay tumatagal ang treatment sa tubig at bumababa ang produksiyon na naisusuplay sa mga residente. (Tina Mendoza)

The post MWSS sinilip planta ng Maynilad first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments