Pinayuhan ni Interior Secretary Eduardo Año ang mga small retail store o sari-sari store na kumuha ng awtorisasyon mula sa Food and Drug Administration (FDA) kung nais nilang magbenta ng gamot sa kanilang tindahan.
“Puwede namang mag-apply sila sa FDA ‘yung mga tindahan at kung sila ay mabigyan ng authorization, puwede silang magbenta.”
Ito ang naging aksiyon ng kalihim makaraang umapela ang mga netizen sa pamahalaan na payagan ang mga sari-sari store na magbenta ng over-the-counter medicines, partikular sa mga lugar na wala gaanong mga botika.
Sa ilalim ng Section 30 ng Republic Act 10918 o Philippine Pharmacy Act, tanging ang FDA-licensed retail drug outlets o mga pharmacy lang ang pinapayagang magbenta ng mga gamot sa publiko.
Samantala, sinimulan na ng Philippine National Police ang panghuhuli sa mga sari-sari store na nagbebenta ng mga medisina at fake drugs bilang tugon sa kautusan ng DILG. (Dolly Cabreza)
The post Sari-sari store gamot iaplay sa FDA first appeared on Abante Tonite.
0 Comments