Negosyante laglag sa P600K marijuana

Tinatayang P600,000 halaga ng marijuana ang nasamsam habang isang isang 24-anyos na freelance businessman ang dinakip ng awtoridad sa Bacoor City, Cavite Lunes ng hapon.

Kasong paglabag sa Sections 5 at 11, Art. II ng RA 9165 ang isinampa laban sa naarestong suspek na si Eadric Lawrence Canceran ng Brgy. Molino 1, Bacoor City.

Sa ulat, dakong alas-4:40 ng hapon, kamakalawa, nang magsagawa ng buy-bust operation ang PDEA 4-A Cavite PO, Bacoor CPS at Cavite PDEU kung saan target ang suspek.

Nagresulta ito sa pagkakaaresto ni Canceran, at pagkakarekober mula umano sa kanya ng limang pirasong cling wrapped na pinatuyong dahon ng marijuana na may fruiting tops, limang piraso ng pinatuyong marijuana bricks, isang maliit na botelya ng vape juice na may lamang marijuana oil, isang driver’s license ID, isang cellphone at buy-bust money.

Nabatid na ang suspek ay matagal nang minamatyagan ng pulisya dahil sa natanggap na sumbong ng ilang concerned citizen hinggil sa kanyang ilegal na gawain. (Gene Adsuara)

The post Negosyante laglag sa P600K marijuana first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments