Rider pisak sa trak

Kalunos-lunos na kamatayan ang sinapit ng isang motorcycle rider matapos magulungan ng trak sa ulo nang maaksidente sa national highway sa Barangay Bago, Ibaan, Batangas Biyernes ng gabi.

Kinilala ng Ibaan Police Station ang nasawi na si Rey Mark Halocon, 31-anyos, taga-Barangay Balanga sa nasabing bayan.

Batay sa imbestigasyon, bandang alas-11:48 ng gabi tinatahak ng motorsiklo ng biktima ang highway patungo sa direksyon ng Batangas City nang mabundol ito ng isang hindi natukoy na tricycle. Nawalan ng balanse ang biktima at natumba ang motorsiklo sa kabilang linya ng highway.

Sa kasamaang palad ay nagulungan pa ito ng kasalubong na trak na minamaneho ni Cezar Ramirez na naging sanhi ng kanyang agarang pagkamatay.

Boluntaryong sumuko ang nakasagasang drayber ng trak na nakakulong ngayon sa Ibaan Police Station at nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide.

Pinaghahanap naman ng mga awtoridad ang unang nakabundol na tricycle driver. (Ronilo Dagos)

The post Rider pisak sa trak first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments