Inihayag kahapon ng Civil Service Commission (CSC) na permanente nang ipatutupad ng mga ahensya ng gobyerno ang apat na araw na trabaho sa loob ng isang linggo kahit matapos na ang pandemya sa COVID-19.
Ayon kay CSC commissioner Aileen Lizada, ipatutupad ito ng pamahalaan matapos ang kanilang konsultasyon sa Department of Information and Communications Technology (DICT) at National Privacy Commission (NPC).
Magpupulong umano ang Komisyon para isapinal ang target date sa bagong work arrangement ng mga empleyado habang pinag-aaralan pa nila ang iba pang alternatibo tulad ng work-from-home scheme.
Noong 2020, hinikayat ng CSC ang pamahalaan na magpatibay ng mga alternatibong work arrangements dahil sa pagkalat sa bansa ng COVID-19.
Sa ilalim ng sistema, kailangang magserbisyo ang mga kawani ng gobyerno ng 10 oras kada araw para mabawi ang mga araw na hindi nila ipapasok sa kanilang trabaho.
The post 4-day. work week sa gobyerno kasado na first appeared on Abante Tonite.
0 Comments