Hindi nawawalan ng pag-asa ang Department of Health (DOH) na maabot ang target na 70 milyong Pilipino ang ganap na mabakunahan pagsapit ng katapusan ng kasalukuyang buwan.

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni DOH Undersecretary Myrna Cabotaje na umaasa silang maaabot ang target dahil tuloy-tuloy naman ang ginagawang vaccination rollout.

Sa kasalukuyan aniya ay nasa 64.5 milyong mga Pilipino na ang fully vaccinated at may natitira pang tatlong linggo para maabot ang target na 70 million.

“Hopefully, we can reach 70 million by March. Nasa 64.5 million na iyong ating fully vaccinated individuals so hanggang tatlong linggo, dapat maka-5.5 million tayo,” ani Cabotaje.

Kailangan aniyang makapagbakuna sila ng isa o dalawang milyon kada linggo para maabot ang target hanggang sa katapusan ng buwan. (Aileen Taliping)

The post 70M bakunadong Pinoy puntirya ngayong Marso first appeared on Abante Tonite.