Ilang mga driver ng mga pampasaherong dyip ang nagpaplanong magbebenta na lamang umano ng gulay at karne sa halip na pumasada dahil hindi umano sapat ang ipinangakong P6,500 fuel subsidy noong nakaraang linggo.
“Mayroong araw po na wala talagang maiuuwi. Dito po sa amin ngayon, pag-uusapan namin kung anong pinaka-best na gagawin namin dahil kung hindi na kikita bakit hindi pa tayo babaling sa ibang hanapbuhay?” pahayag ni Orlando Marquez, pangulo ng Liga ng Transportasyon at Operators sa Pilipinas, sa isang kahapon.
“Ang diskarte na lang po siguro namin, magtinda na lang kami ng mga gulay-gulay, karne, kung anuman ‘yong naipon naming pangnegosyo sa iba, subukan na namin,” ayon kay Marquez.
Aniya, ang susidiya na matatanggap nila sa gobyerno ay babalik lamang sa mga kompanya ng langis, na nagtaas ng kanilang mga produktong petrolyo sa magkakasunod na 11 Linggo.
Binigyang-diin ni Marquez na malaking tulong sana sa mga PUV driver ang suspensiyon ng ‘excise tax’ at pagtaas ng pasahe dahil hindi garantisadong makatatanggap ng subsidiya ang lahat ng lehtimong mge benepisyaryo.
Sa kasalukuyan ay pinag-aaralan pa rin ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang petisyon ng mga PUV driver na dagdag-pasahe, partikular ang impak sa ekonomiya, mananakay at pagtaas ng mga presyo ng mga bilihin.(Dolly Cabreza)
The post Mga tsuper ng jeep, bus tigil-pasada first appeared on Abante Tonite.
0 Comments