75 rebelde sumuko

AABOT sa 75 rebelde ang sumuko sa mga sundalo sa magkahiwalay na okasyon.

Sa Sultan Kudarat, 36 nang communist terrorists ang sumuko sa Brgy. Tibpuan, Lebak.

Iprinisinta ng mga dating rebelde ang mga sarili sa 37th Infantry Battalion sa ilalim ng 6th Infantry Division, Philippine Army.

Isinuko rin nila ang 25 assorted firearms kabilang ang M16 at M14 rifles, SMGs, shotguns, revolvers, at mga pistols.

Sa Maguindanao, 39 naman ang sumuko.

Kusa silang humarap sa Armed Forces of the Philippines sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao.

Ang mga ito ay kinabibilangan ng 21 Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF)-Bungos Faction, 12 BIFF-Karialan Faction, at anim na Dawlah Islamiya-Turaife Group.

Isinoli din nila ang may 37 nilang armas. (Kiko Cueto)

The post 75 rebelde sumuko first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments