15 swak sa pagdukot ng 34 sabungero

Labing limang indibiduwal na ang sinampahan ng kasong paglabag sa Article 267 ng Revised Penal Code o kidnapping at serious illegal dentention sa Department of Justice (DOJ) kaugnay sa pagkawala ng mga sabungero.

Kabilang sa kinasuhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at mga kaanak ng nawawalang sabungero sina Julie Patidongan y Aguilar a.k.a Dondon; Mark Carlo Zabala y Evangelista; Virgilio Bayog y Pilar; Roberto Matillano Jr. y Guillema; Jonas Alingasa y Alegre; Johnry Consolacion y Recapor; Herolden Alonto; Gler Cudilla; Alias Sir Chief at 6 pang John Does, pawang miyembro ng security personnel ng Manila Arena. Ito ay matapos na dumulog sa CIDG at PNP ang mga kaanak ng nawawalang sabungero.

Ang mga respondent ay isinangkot sa pagkawala ng may 6 na sabungero noong Enero 13 na umano’y pumunta sa Manila Arena para lumahok sa 6 Cock Stag Derby.

Sinasabing ang mga ito ay nagsabwatan sa pagdukot sa mga sabungero na isinakay sa isang gray na van.

Isa umano sa mga biktima ang nakatawag pa sa kanyang ama at naipaalam na sila ay dinukot.

Nabatid na umaabot na sa may 34 sabungero ang nawawala simula pa noong nakalipas na taon. (Juliet de Loza-Cudia)

The post 15 swak sa pagdukot ng 34 sabungero first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments