Kritikal ngayon ang isang government employee matapos na suyurin ng bisekleta ng isang siklista kamakalawa ng umaga sa may northbound lane ng Quezon Boulevard sa Maynila.
Ang biktima ay si Ramon Kristofer Carrasco y Borbon, 34, government employee, taga-340 Basa 1 compound, Zapote, Las Pinas.
Arestado naman ang siklista na si Jhamie Aizceth Castro y Tresballes, 18, estudyante at taga-Zamora St., Pandacan, Maynila.
Sa imbestigasyon ng Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU) naganap ang insidente alas-6:30 ng umaga sa Northbound lane ng Quezon Boulevard sa may Globo De Oro Street, Quiapo, Maynila.
Naghihintay umano ng pampasaherong jeep ang biktima nang tumbukin ng bisekleta ni Castro.
Isinugod ang biktima sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC) kung saan kinakailangan nitong sumailalim sa brain surgery.
Sasampahan naman ng kasong reckless imprudence resulting in physical injury si Castro sa Manila Prosecutors Office. (Juliet de Loza-Cudia)
The post Empleyado sinalpok ng siklista first appeared on Abante Tonite.
0 Comments