`Most wanted’ sa Tondo nasakote

Arestado ng mga tauhan ng Manila Police District-Special Operation Unit ang itinuturing na top 1 most wanted person sa Tondo matapos na puntahan ito ng mga awtoridad sa kanilang lugar sa Building 16, Temporary Housing sa Aroma Compound, Tondo kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang suspek na si Demetrio Prado alyas `Demdem’, 25-anyos, nakatira sa nasabing lugar at wanted sa kasong murder.

Dakong alas-4:30 ng hapon nang masakote ang suspek matapos na makatanggap ng tip ang mga pulis na nakita ito sa nasabing lugar.

Sa pangunguna ni Major Civero Pura, assistant chief ng District Special Operaton Unit, binitbit si Prado sa bisa ng arrest warrant na inisyu ni Presiding Judge Bibiano Colasito ng Regional Trial Court Branch 50.

Walang inirekomendang piyansa ang korte sa kasong kinakaharap ng suspek. (Juliet de Loza-Cudia)

The post `Most wanted’ sa Tondo nasakote first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments